top of page


Maligayang Kaarawan, Kapatid na Eduardo V. Manalo!
Nagpaabot ng taos-pusong pagbati ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael kay Kapatid na Eduardo V. Manalo, sa pangunguna nina Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Sa kanilang mensahe, hiniling ng mga opisyal ang patuloy na mabuting kalusugan, lakas, karunungan, at gabay ng Poong Maykapal para kay Manalo sa pagtupad niya sa kanyang mga tungkulin. Binigyang-diin din ng lokal n

SB San Rafael
Oct 311 min read


Maligayang Kaarawan, Vice Mayor Edison!
Nagpaabot ng pagbati ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael kay Pangalawang Punong Bayan Edison M. Veneracion sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Binigyang-pagkilala sa mensahe ang kanyang masipag at mapagkalingang paglilingkod sa mga mamamayan ng San Rafael. Kasabay ng pagbati, hiniling ng lokal na pamahalaan ang kanyang mabuting kalusugan at patuloy na biyaya mula sa Panginoong Maykapal. Maligayang kaarawan, Vice Mayor Edison M. Veneracion!

SB San Rafael
Oct 301 min read


MDRRMC San Rafael, Nagsagawa ng Ikaapat na Quarterly Meeting
Nagsagawa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng San Rafael ng ikaapat na quarterly meeting nitong Oktubre 28, 2026, upang talakayin ang mga hakbang sa paghahanda at pagtugon sa mga posibleng panganib at sakuna. Sinuportahan ang pagpupulong ni Acting Municipal Mayor Edison M. Veneracion, kasama si Konsehal Joel M. Veneracion, na namumuno sa Committee on Peace and Order, at si REN Mendoza, Officer-in-Charge ng Secretariat, kasama ang iba pang

SB San Rafael
Oct 291 min read
KAPANALIG KALASAG Batch 24, Isinagawa sa San Rafael
Matagumpay na isinagawa ang KAPANALIG KALASAG Batch 24, isang programa na naglalayong ilayo ang kabataan sa panganib ng ipinagbabawal na gamot sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman at kamalayan sa masasamang epekto nito. Pinangunahan ni Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. ang programa, katuwang si Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion at ang mga konsehal ng Sangguniang Bayan ng San Rafael. Ang KAPANALIG ay programang inihain ni Konsehal Nestor V. Vicho

SB San Rafael
Oct 291 min read


PESO San Rafael, Nagsagawa ng Fuzzy Flower at Candle-Making Training
Nagsagawa ang Public Employment Service Office (PESO) San Rafael ng pagsasanay sa paggawa ng fuzzy flowers at mga kandila para sa mga empleyado ng Pamahalaang Bayan. Layunin ng pagsasanay na malinang ang talento at kasanayan ng mga kawani sa paggawa ng mga produktong maaaring mapakinabangan bilang karagdagang kaalaman at oportunidad. Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, patuloy na isinusulong ng PESO San Rafael ang pagpapaunlad ng kakayahan ng mga empleyado at ang pag

SB San Rafael
Oct 281 min read


Trick or Treat 2026, Matagumpay na Isinagawa sa San Rafael
Nagsagawa ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael ng Trick or Treat 2026 nitong Oktubre 27, na nilahukan ng mga batang nakasuot ng iba’t ibang makukulay at malikhaing costume bilang bahagi ng pagdiriwang ng Halloween. Naging tampok sa programa ang pamimigay ng mga sorpresa at matatamis na pagkain, gayundin ang pagpili sa Top 10 Best Costumes na nagbigay ng dagdag na kasiyahan sa mga batang kalahok. Namahagi rin ng Jollibee meals para sa lahat ng mga bata, bukod sa mga treat na ha

SB San Rafael
Oct 281 min read


Municipal Advisory Group, Nagpulong para sa Pagpapaunlad ng Serbisyo ng Kapulisan
Isinagawa nitong Oktubre 21, 2026 ang pagpupulong ng Municipal Advisory Group for Police Transformation and Development sa SB Conference Room ng San Rafael Municipal Building. Tinalakay sa pagpupulong ang mga usaping may kaugnayan sa pagpapabuti ng serbisyo ng Philippine National Police (PNP) at pagpapalakas ng ugnayan nito sa Pamahalaang Bayan at iba pang sektor ng komunidad. Layunin ng pagpupulong na mapalakas ang pagtutulungan ng mga kinauukulang sektor upang maisulong ang

SB San Rafael
Oct 281 min read


MENRO San Rafael, Ipinagpatuloy ang Paglilinis sa mga Pambayang Libingan
Ipinagpatuloy ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) San Rafael ang paglilinis sa mga pambayang libingan sa ikatlong araw ng kanilang clean-up drive bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga bibisita sa panahon ng Undas. Isinasagawa ang paglilinis sa tagubilin ni Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng mga pampublikong lugar, lalo na sa mga sementeryo na dinarayo upang alalahanin ang mga yumaong mahal sa buhay

SB San Rafael
Oct 281 min read


TATLONG SUSPEK SA ILEGAL NA DROGA, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA SAN RAFAEL
Arestado ang tatlong suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station na nagresulta rin sa pagkakasamsam ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱21,000. Bahagi ang operasyon ng patuloy na kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad. Sa pamumuno ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police, tiniyak ng San Rafael MPS

SB San Rafael
Oct 281 min read


MENRO San Rafael, Nagsagawa ng Malawakang Paglilinis sa Pantyon ng BMA sa San Roque
Nagsasagawa ng malawakang paglilinis ang mga EcoBoys ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) San Rafael sa pantyon ng BMA sa Barangay San Roque bilang bahagi ng paghahanda sa Undas. Kasabay nito, nanawagan ang MENRO sa publiko na panatilihin ang kalinisan sa paligid at iwasang magtambak ng basura sa mga hindi tamang lugar. Pinayuhan din ang mga hindi pa nakapaglilinis na ilagay ang kanilang mga basura sa malalaking plastic bag upang mas madali itong mako

SB San Rafael
Oct 271 min read


San Rafael LGU, Naghahanda para sa Ligtas at Maayos na Undas 2026
Nagsagawa ng pagpupulong ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael bilang paghahanda sa paggunita ng Undas 2026 upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng mga mamamayang bibisita sa mga sementeryo sa bayan. Pinangunahan ni Acting Mayor Edison M. Veneracion ang pagpupulong kasama si Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente, mga kinatawan ng Bureau of Fire Protection (BFP) San Rafael, mga force multiplier, at mga punong barangay na nasasakupan ng mga sementeryo. Tinalakay sa pa

SB San Rafael
Oct 261 min read


Lingguhang Pagtataas ng Watawat, Pinangunahan ng Super Health Center
Pinangunahan ng tanggapan ng Super Health Center, sa pamumuno ni Dra. Josefina Editha Saddam, ang lingguhang pagtataas ng watawat ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ngayong Lunes, Oktubre 26. Isinagawa ang seremonya bilang pagpapakita ng paggalang sa watawat ng Pilipinas at pagmamahal sa bayan. Binigyang-diin din ng aktibidad ang kahalagahan ng pagkakaisa, disiplina at malasakit sa pagsusulong ng patuloy na pag-unlad ng San Rafael.

SB San Rafael
Oct 261 min read


PhilHealth Contributions ng mga Kwalipikadong PWD, Sasagutin sa Ilalim ng Bagong Circular
Inilabas ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang Circular No. 2026-0017 na naglalaman ng mga patakaran kaugnay ng coverage ng mga Persons with Disabilities (PWDs) at kanilang mga dependent sa National Health Insurance Program. Alinsunod sa circular, libre na ang PhilHealth contributions ng mga kwalipikadong PWD at kanilang mga dependent sa pamamagitan ng kaukulang mekanismo ng pagbabayad ng premium contributions. Para naman sa mga PWD na may trabaho, pagha

SB San Rafael
Oct 251 min read


Happy Birthday, Ma'am Vicky!
Nagpaabot ng pagbati ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael kay MSWD Officer Ma. Victoria G. Ramos sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Pinangunahan nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, ang pagbati kay Ma'am Vicky bilang pagkilala sa kanyang paglilingkod sa lokal na pamahalaan. Hangad ng Pamahalaang Bayan ang kanyang mabuting kalusugan, kaligayahan at patuloy na tagumpay sa paglilingkod sa mga mamama

SB San Rafael
Oct 241 min read


PNP SAN RAFAEL, NAGBABALA LABAN SA SEXUAL VIOLENCE
Nagpaalala ang San Rafael Municipal Police Station sa publiko na manatiling mapagmatyag at magsagawa ng mga kinakailangang pag-iingat upang maiwasan ang sexual violence o karahasang seksuwal. Hinikayat ng kapulisan ang bawat isa na maging alisto sa kapaligiran, magtakda ng personal na hangganan at agad humingi ng tulong kapag nakakaramdam ng panganib o hindi ligtas na sitwasyon. Binigyang-diin din ng PNP na mahalaga ang pahintulot o consent sa anumang uri ng pakikipag-ugnayan

SB San Rafael
Oct 241 min read


Sangguniang Bayan, Nagsagawa ng Ocular Inspection sa Barangay Talacsan
Nagsagawa ng ocular inspection ang Sangguniang Bayan ng San Rafael sa Barangay Talacsan upang suriin ang ipinatatayong gusali ni Rena Villarosa sa pangunguna ni Vice Mayor Edison M. Veneracion, kasama ang mga kagawad. Personal na binisita at sinuri ng mga miyembro ng Sanggunian ang lugar upang makakuha ng sapat na impormasyon bilang batayan sa pagsusuri ng hinihiling na clearance. Layunin ng inspeksyon na matiyak na magiging maayos ang proseso ng pagpapasya habang isinasaalan

SB San Rafael
Oct 241 min read


SANGGUNIANG BAYAN, NAGSAGAWA NG PAMPUBLIKONG PAGDINIG PARA SA LAND RECLASSIFICATION
Nagsagawa ang Sangguniang Bayan ng San Rafael ng pampublikong pagdinig nitong Oktubre 19, 2026, sa Barangay Sampaloc kaugnay ng kahilingan para sa reclassification ng isang lupang may sukat na 8,179 metro kuwadrado mula sa agrikultural tungo sa komersyal/industriyal na gamit. Pinangunahan ang pagdinig ni Kgg. Vicente N. Paulino, Chairman ng Committee on Urban Planning, Zoning, Land Use, Housing and Resettlement, kasama si Vice Mayor Edison M. Veneracion at mga kagawad ng Sang

SB San Rafael
Oct 231 min read


21 BARIL, NAITALA NG SAN RAFAEL POLICE SA LOOB NG DALAWANG LINGGO
Nakapagtala ng kabuuang 21 baril ang San Rafael Municipal Police Station sa loob lamang ng dalawang linggo sa pamamagitan ng kampanyang ADFER (Arms Deposit for Firearm Registration), kung saan ang mga ito ay idineposito, kusang isinuko o nakumpiska. Bahagi ito ng pinaigting na kampanya ng San Rafael MPS laban sa mga loose firearms o mga baril na walang kaukulang dokumento at rehistro. Ayon sa kapulisan, ipinakikita ng naturang resulta ang patuloy nilang pagsisikap na maiwasan

SB San Rafael
Oct 221 min read


42nd Regular Session ng SB San Rafael, Isinagawa
Nagsagawa ng ika-42 Regular Session ang Sangguniang Bayan ng San Rafael bilang bahagi ng patuloy na pagtupad sa mga tungkulin nito sa pagtalakay at pagsusuri ng mga panukala, resolusyon at iba pang usaping may kaugnayan sa pamamahala at kapakanan ng mga mamamayan. Tinalakay sa naturang sesyon ang mga usaping nangangailangan ng deliberasyon at kaukulang aksyon ng mga miyembro ng Sanggunian.

SB San Rafael
Oct 221 min read


RHU III San Rafael, Nagpaalala sa mga Buntis Tungkol sa Ligtas na Panganganak
Nagpaalala ang Rural Health Unit III (RHU III) San Rafael sa mga buntis na hindi lahat ay maaaring manganak sa mga birthing station o lying-in clinic. Ayon sa RHU III, mahalagang kumonsulta muna sa isang health professional upang matukoy ang angkop at ligtas na lugar ng panganganak, batay sa kalagayan ng ina at sanggol. Binigyang-diin ng pasilidad na prayoridad ang kaligtasan ng ina at sanggol kaya hinihikayat ang mga buntis na regular na magpatingin at sumunod sa payo ng kan

SB San Rafael
Oct 211 min read
Archives
bottom of page

