top of page

Slots para sa National ID Registration sa Oktubre, Ubos Na

Oct 14
1 min read

Naubos na ang mga slot para sa pagkuha ng National ID sa Oktubre 21 at 28, 2026, ayon sa anunsyo ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael.


Samantala, sa Nobyembre 10, 2026, muling magbubukas ang pagpapatala at pagkuha ng slot para sa mga iskedyul ng National ID registration sa Nobyembre 18 at 25. Isasagawa ang pagpapatala sa Municipal Civil Registrar’s Office.


Pinayuhan ang mga San Rafaeleño na abangan ang mga susunod na anunsyo para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagpaparehistro.


Humingi rin ng pang-unawa ang lokal na pamahalaan sa mga hindi nakakuha ng slot at nagpasalamat sa patuloy na pakikiisa ng mga mamamayan.

Comments


bottom of page