top of page

Pagsasanay sa Paggawa ng Bayong, Isinagawa para sa mga Mag-aaral ng ALS sa San Rafael

3 days ago
1 min read

Nagsagawa ng pagsasanay sa paggawa ng bayong ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa mga mag-aaral ng Alternative Learning System (ALS) bilang bahagi ng pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at paglinang ng mga kasanayang maaaring pagkakitaan.


Pinangunahan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Population Commission (POPCOM), at Public Employment Service Office (PESO) ang programa, sa tulong ni TESDA Trainer Wilma Mata bilang tagapagsanay.



Sa pamamagitan ng paggamit ng mga napapanatiling materyales, layunin ng pagsasanay na mahikayat ang mga kalahok na isabuhay ang mga gawaing makakalikasan at malinang ang kanilang kakayahan sa paggawa ng mga produktong maaaring maging simula ng sariling hanapbuhay o negosyo.


Inaasahang makatutulong ang programa sa pagpapalawak ng kaalaman at oportunidad ng mga mag-aaral ng ALS tungo sa pangangalaga sa kapaligiran at pagkakaroon ng karagdagang mapagkakakitaan.

Comments


bottom of page