Tatlong Kawani ng San Rafael LGU, Nakapasa sa Civil Service Examination

Ipinahayag ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang pagbati at pagkilala sa tatlong kawani nito na matagumpay na nakapasa sa August 2026 Civil Service Examination sa Professional Level.
Kabilang sa mga pumasa sina Roma I. Vergel De Dios ng Sangguniang Bayan Office, Maxine D. Pajarillo ng Public Employment Service Office (PESO), at Rochelle A. Reyes ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Kinilala ng lokal na pamahalaan ang kanilang pagsisikap at tagumpay, na nagsisilbing inspirasyon sa iba pang kawani na patuloy na paunlarin ang kanilang kakayahan at kaalaman sa paglilingkod sa publiko.
Nawa ay magsilbi silang huwaran ng mahusay, tapat at mapagmalasakit na paglilingkod-bayan.






Comments