Pangkalahatang Pamunuan ng PTA sa San Rafael, Nanumpa sa Tungkulin

Pormal na nanumpa sa tungkulin ang bagong halal na Pangkalahatang Pamunuan ng Parent-Teacher Association (PTA) sa Bayan ng San Rafael sa seremonyang pinangunahan ni Mayor Cipriano D. Violago, Jr., na nagsilbing panauhing pandangal.
Dumalo rin sa pagtitipon ang mga opisyal ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael upang ipahayag ang kanilang suporta sa bagong pamunuan ng PTA.
Layunin ng aktibidad na patibayin ang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, mga paaralan, guro at magulang sa pagsusulong ng de-kalidad na edukasyon at kapakanan ng mga mag-aaral sa bayan.







Comments