top of page

Pagpaparehistro para sa San Rafael Christmas Village & Bazaar 2026, Sarado Na

Oct 13
1 min read

Sarado na ang pagpaparehistro para sa mga bazaar tenant ng San Rafael Christmas Village & Bazaar 2026 dahil sa limitadong espasyo at dami ng mga nagparehistro, ayon sa Pamahalaang Bayan ng San Rafael.


Ipinaliwanag ng lokal na pamahalaan na hindi na madaragdagan ang mga puwesto upang mabigyan ng sapat na espasyo ang mga nakarehistrong tenant.


Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Pamahalaang Bayan sa lahat ng nagpakita ng interes at patuloy na sumusuporta sa mga programa at aktibidad ng bayan. Hiniling din nito ang pang-unawa ng mga hindi na makakakuha ng puwesto ngayong taon.


Bahagi ang San Rafael Christmas Village & Bazaar ng mga aktibidad na naglalayong magbigay ng masaya at makulay na pagdiriwang ng Kapaskuhan sa bayan.

Comments


bottom of page