top of page

San Rafael Agriculture Office, Rank 3 sa High-Value Crops Development Program

6 days ago
1 min read

Nakamit ng Municipal Agriculture Office (MAO) ng San Rafael ang ikatlong puwesto sa lalawigan ng Bulacan para sa natatanging pagganap sa pagpapatupad ng High-Value Crops Development Program.


Ayon sa MAO-San Rafael, bunga ang pagkilalang ito ng sama-samang pagsisikap at dedikasyon ng kanilang pangkat sa pagpapatupad ng mga programang pang-agrikultura.


Nagpaabot naman ng pasasalamat ang tanggapan kay Mayor Cipriano D. Violago, Jr., Vice Mayor Edison M. Veneracion, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Provincial Agriculture Office sa pangunguna ni PA Ma. Gloria S.F. Carrillo, at Department of Agriculture sa kanilang patuloy na suporta.


Ang pagkilalang ito ay magsisilbing inspirasyon sa MAO-San Rafael upang higit pang mapahusay ang mga programa at serbisyong nakalaan para sa mga magsasaka sa bayan.

Comments


bottom of page