Special Recruitment Activity para sa Trabaho sa Abroad, Isasagawa sa San Rafael

Magsasagawa ang ANKOR Management Services & Consultants, Inc. ng special recruitment activity ngayong Martes, Oktubre 13, 2026, alas-9:00 ng umaga sa Old RHU I Building, Bayan ng San Rafael, Bulacan.
Target ng recruitment activity ang mga aplikanteng interesadong magtrabaho sa Saudi Arabia, Qatar, Dubai at Kuwait. Pinapayuhan ang mga aplikante na magdala ng dalawang kopya ng kanilang updated résumé at maging handa sa agarang panayam at assessment.
Ayon sa anunsyo, orihinal na pasaporte lamang ang pangunahing kinakailangang dokumento. Kabilang sa mga libreng benepisyong nakasaad ang medical examination, mga pagsasanay sa TESDA/OWWA/PDOS, transportasyon at food allowance sa araw ng training, libreng matutuluyan, at maleta.

Wala umanong sisingiling placement fee o processing fee, at walang salary deduction. Pinapayuhan ang mga aplikante na mag-ingat sa mga ilegal na recruiter at huwag magbayad ng anumang recruitment fee.






Comments