₱10,000 Cash Incentive, Ipinamahagi sa mga Senior Citizen sa San Rafael

Dumalo si Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente sa pamamahagi ng ₱10,000 cash incentive para sa mga senior citizen na may edad na 80, 85, 90 at 95 taong gulang sa ilalim ng Expanded Centenarians Act.
Nakiisa sa pagpapatupad ng programa ang National Commission of Senior Citizens (NCSC), Office for Senior Citizens Affairs (OSCA), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).
Nagpasalamat ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa mga tanggapang tumulong sa maayos na pagsasakatuparan ng programa.
Layunin ng pagbibigay ng insentibo na kilalanin at suportahan ang mga nakatatandang mamamayan bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kanilang kapakanan at pagbibigay ng serbisyong nararapat sa kanila.







Comments