top of page

Kauna-unahang Mayor’s Cup Pickleball Tournament, Sinimulan sa San Rafael

Oct 14
1 min read

Opisyal na sinimulan ngayong gabi ng Oktubre 13, 2026 ang kauna-unahang San Rafael Mayor’s Cup Pickleball Tournament 2026 upang itaguyod ang palakasan, aktibong pamumuhay at pagkakaisa ng mga atleta sa bayan.


Pinangunahan ng Local Youth Development Office (LYDO), sa pamumuno ni LYD Officer Erl Veneracion, ang pagsasagawa ng paligsahan bilang bahagi ng mga pagsisikap na palawakin ang pakikilahok ng mga San Rafaeleño sa mga gawaing pampalakasan.


Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga tagapag-organisa kina Mayor Cipriano D. Violago, Jr., Vice Mayor Edison M. Veneracion at sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa kanilang suporta sa mga programang pang-isports.


Inaasahang magsisilbing daan ang paligsahan upang mahikayat ang mas maraming mamamayan na makilahok sa mga aktibidad na nagtataguyod ng kalusugan, talento at pakikipagkaibigan sa komunidad.

Comments


bottom of page