Training para sa Barangay Solid Waste Management Enforcers, Isinasagawa sa San Rafael

Isinasagawa ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ang unang araw ng Training and Orientation on Barangay Solid Waste Management Enforcers sa Pamahalaang Bayan ng San Rafael.

Layunin ng pagsasanay na palawakin ang kaalaman at kakayahan ng mga itinalagang barangay enforcer sa wastong pamamahala ng basura, pagpapatupad ng mga ordinansa tungkol sa solid waste management, at pagpapanatili ng kalinisan sa kani-kanilang nasasakupan.
Inaasahang mapatitibay ng aktibidad ang pakikiisa at pagtutulungan ng mga barangay sa pagsusulong ng malinis, ligtas at maayos na kapaligiran para sa mga San Rafaeleño.







Comments