top of page

San Rafael Public Market, Nakakuha ng 95.75% Rating sa Huwarang Palengke 2026

6 days ago
1 min read

Nakakuha ng 95.75% rating ang San Rafael Bulacan Public Market sa programang Huwarang Palengke 2026 ng Department of Trade and Industry (DTI), bilang pagkilala sa pagsisikap na mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng mga pampublikong pamilihan sa bayan.


Ipinagpasalamat ng pamunuan ng San Rafael Public Market ang pagkilalang ito at kinilala ang sama-samang pagsisikap ng lokal na pamahalaan, mga namamahala sa palengke, mga vendor at mga kawani sa pagpapanatili ng maayos na pamilihan.



Kabilang sa mga pinasalamatan sina Mayor Cipriano D. Violago, Jr., Vice Mayor Edison M. Veneracion at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Municipal Administrator Dra. Marina Rivera Viente, Municipal Treasurer Corazon Mendoza Valmeo, mga market supervisor na sina Vilma S. Baldos at John Kelly Quizon, gayundin ang mga vendor sa pangunguna ni Market Vendors President Arlene Batac at Vice President Kon. Jovelle De Juaiting.


Nagpaabot din ng pasasalamat ang pamunuan sa DTI Bulacan sa pagkilala.


Binigyang-diin nito ang patuloy na pagsisikap na mapahusay ang serbisyo para sa mga mamimili at mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng mga pampublikong pamilihan sa San Rafael.

Comments


bottom of page