top of page

San Rafael Agriculture Office at mga Vegetable Grower, Dumalo sa AgriLink 2026

Oct 14
1 min read

Dumalo ang Municipal Agriculture Office (MAO) ng San Rafael, Municipal Agriculture and Fisheries Council (MAFC) at mga vegetable grower ng bayan sa AgriLink 2026 na ginanap sa World Trade Center sa Pasay City.



Layunin ng pagbisita na matutuhan ang mga makabagong teknolohiya, makinarya, kagamitan at pamamaraan sa agrikultura na maaaring magamit upang mapabuti ang pagsasaka sa San Rafael.


Ayon sa MAO, makatutulong ang mga bagong kaalaman at ideyang makukuha sa aktibidad upang mapahusay ang mga programang pang-agrikultura, mapataas ang produktibidad ng mga magsasaka at maisulong ang mas moderno at episyenteng pamamaraan ng pagsasaka sa bayan.

Comments


bottom of page