top of page
Local News


412 Pamilyang Benepisyaryo ng 4Ps sa San Rafael, Pormal nang Nakapagtapos
Isang malaking tagumpay para sa bayan ang opisyal na pagtatapos ng 412 pamilyang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na binigyang-pugay sa idinaos na "Pugay Tagumpay 2026." Ang naturang aktibidad ay isang selebrasyon para sa mga pamilyang nakamit na ang antas ng self-sufficiency o ang kakayahang tumayo sa sariling mga paa tungo sa mas maayos at masaganang antas ng pamumuhay. Nakiisa at nagbigay-kulay sa okasyon sina Gng. Gaudencia M. Tinagan (DSWD SWAD B

SB San Rafael
Jun 191 min read


24th Regular Session ng Sangguniang Bayan, Matagumpay na Idinaos
Upang mas paigtingin ang kalidad ng serbisyo-publiko sa bayan, matagumpay na isinagawa ang ika-24 Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng San Rafael nitong ika-15 ng Hunyo, 2026. Ang nasabing sesyon ay pinangunahan ni Pangalawang Punongbayan Kgg. Edison M. Veneracion bilang Presiding Officer ng lokal na lehislatura. Katuwang ni Vice Mayor Veneracion ang mga Kagalang-galang na Kagawad at mga dedikadong kawani ng Sanggunian. Sa loob ng pagpupulong, masinsinang tinala

SB San Rafael
Jun 181 min read


2nd Quarter Nationwide Earthquake Drill, Idinaos sa Sanctuario of St. Maria Theresa School
Upang patuloy na mapataas ang antas ng kahandaan at kaligtasan ng mga mag-aaral at mamamayan sa oras ng sakuna, matagumpay na idinaos ang Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong Huwebes, ika-18 ng Hunyo, 2026. Eskaktong alas-9:00 ng umaga nang sabay-sabay na isagawa ang pagsasanay sa Sanctuario of St. Maria Theresa School, Inc. na matatagpuan sa lungsod. Ang aktibidad ay pinangunahan ng Officer-in-Charge (OIC) ng Municipal Disaster Risk Reductio

SB San Rafael
Jun 181 min read


Maligayang Kaarawan, Kapitan Alex Camacho!
Muling nagkaisa ang mga matataas na pinuno ng lokal na pamahalaan upang ipaabot ang kanilang mainit at taos-pusong pagbati sa kaarawan ng isa sa mga masisipag na lider-komunidad ng bayan ngayong araw. Pinangunahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, at ng buong miyembro ng Sangguniang Bayan ang pagbibigay-pugay kay Punong Barangay Alex G. Camacho ng Barangay Caingin para sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawa

SB San Rafael
Jun 171 min read


Mutya ng Buntis 2026, Ilulunsad ng San Rafael Ngayong Buwan ng Nutrisyon
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-52 Buwan ng Nutrisyon ngayong darating na Hulyo 1-31, 2026, opisyal nang inilunsad ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang natatanging patimpalak na Mutya ng Buntis 2026. Gugulong ang paligsahan taglay ang temang “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!” na may layuning isulong ang adbokasiyang “Malusog na Ina, Malusog na Sanggol, Matatag na Pamilya.” Sentro ng programa na maipakita ang kahalagahan ng tamang pangangalaga sa kalusugan ng m

SB San Rafael
Jun 172 min read


Supplementary Feeding Program para sa mga Day Care Children, Inilunsad sa San Rafael
Upang paigtingin ang kampanya para sa kalusugan ng mga bata, matagumpay na inilunsad ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang Supplementary Feeding Program para sa mga mag-aaral sa mga day care center sa buong bayan. Bitbit ang temang “Malnutrisyon ay labanan, tungo sa malusog at mahusay na kabataan!”, ang programa ay pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD), katuwang ang mga masisipag na Day Care Teachers sa ilalim ng pangangasiwa ni Ma’am Ma. Victoria G

SB San Rafael
Jun 171 min read


San Rafael, Nakiisa sa Pagdiriwang ng Amun Jadid o Islamic New Year
Bilang pagpapakita ng respeto at pagkakaisa sa iba't ibang kultura at pananampalataya, buong pusong nakiisa ang buong bayan ng San Rafael sa pagdiriwang ng Amun Jadid o ang Islamic New Year ng mga kapatid na Muslim ngayong araw. Sa opisyal na pahayag ng lokal na pamahalaan, nagpaabot ito ng isang mapayapa, masaya, at makabuluhang pagsalubong sa bagong taon para sa komunidad ng mga Muslim na naninirahan at nagtatrabaho sa bayan. Hangad ng pamahalaang lokal na ang pagdiriwang n

SB San Rafael
Jun 161 min read


Poster Making Contest para sa mga Senior Citizen, Ilulunsad Ngayong Buwan ng Nutrisyon
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-52 Buwan ng Nutrisyon ngayong darating na Hulyo 2026, ilulunsad ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang isang natatanging Poster Making Contest – Senior Citizen Edition. Gugulong ang patimpalak taglay ang temang “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!”. Layunin ng temang ito na itanim sa kamalayan ng publiko na sa pamamagitan ng wastong nutrisyon at tamang pag-aalaga sa kalikasan, sama-samang maitataguyod ang isang mas malusog at mas mas

SB San Rafael
Jun 161 min read


Lingguhang Pagtataas ng Watawat, Matagumpay na Idinaos
Sa muling pagsisimula ng isang produktibong linggo ng tapat na serbisyo, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang Lingguhang Pagtataas ng Watawat ngayong Lunes, ika-15 ng Hunyo, 2026. Ang regular na palatuntunan ay idinaos sa compound ng munisipyo upang magbigay-galang sa pambansang sagisag at ipakita ang nagkakaisang pagmamahal at katapatan ng mga kawani sa bayan at sa bansa. Para sa linggong ito, ang seremonya ay magkatuwang na pinangasiwaan ng dalawan

SB San Rafael
Jun 151 min read


Msgr. Flint Capiral, Pinangunahan ang Pagbabasbas ng mga Bagong Sasakyan sa San Rafael
Upang mas mapabilis at mapalawak pa ang paghahatid ng serbisyo publiko sa bawat sulok ng bayan, pormal nang binasbasan ang mga bagong sasakyan ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael kamakailan. Ang sagradong seremonya ng pagbabasbas ay pinangunahan ni Monsignor Filemon “Flint” Capiral, H.P., kung saan ipinanalangin ang kaligtasan ng mga gagamit nito at ang tagumpay ng mga gawaing paglilingkod sa komunidad. Ang mga bagong kagamitang pampaglalakbay na ito ay itinalaga para sa mga p

SB San Rafael
Jun 151 min read


Inspeksyon sa mga Proyekto ng Brgy. Poblacion, Pinangunahan ng mga Pinuno ng San Rafael
Upang matiyak ang kalidad at mabilis na pagtatapos ng mga imprastraktura sa bayan, personal na nagtungo si Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. sa Barangay Poblacion kamakailan upang magsagawa ng isang masusing inspeksyon sa mga kasalukuyang proyektong itinatayo rito. Kasama ng alkalde sa nasabing pag-iikot sina Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente, at Municipal En

SB San Rafael
Jun 151 min read


Huling Araw ng Tax Amnesty sa San Rafael, Itinakda sa Hulyo 6
Nagpalabas ng isang mahalagang paalala ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa lahat ng mga may ari-arian at negosyo hinggil sa nalalapit na pagtatapos ng programa para sa Tax Amnesty. Ayon sa lokal na pamahalaan, ang huling araw ng pagbabayad na sakop ng tax amnesty ay hanggang sa Hulyo 6, 2026 (Lunes) na lamang. Kaugnay nito, mariing pinapayuhan ang publiko na samantalahin na ang natitirang mga araw upang mabayaran ang kanilang mga obligasyon nang walang ipinapataw na k

SB San Rafael
Jun 151 min read


Gamit Pang-eskwela mula sa Dragon Fireworks, Ipinamahagi sa Dalawang Paaralan sa San Rafael
Bilang pagpapakita ng malakas na ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at pribadong sektor, muling nakiisa ang mga pinuno ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pamamahagi ng mga kagamitang pang-eskwela sa mga mag-aaral ng Sampaloc Elementary School at Pinac Pinacan Elementary School. Ang mga ipinamahaging gamit ay handog ng kumpanyang Dragon Fireworks, sa pangunguna ni Dr. Derrick Ong. Ang inisyatibong ito ay bahagi na ng taunang programa ng naturang kumpanya. Layunin nitong magin

SB San Rafael
Jun 151 min read


Maligayang Kaarawan, Punong Barangay Eliseo Manuel!
Nagkakaisang nagpaabot ng kanilang mainit at taos-pusong pagbati ang mga pinuno ng lokal na pamahalaan sa kaarawan ng isa sa mga masisipag na pinuno ng komunidad sa bayan nitong linggo. Pinangunahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, at ng buong miyembro ng Sangguniang Bayan ang pagbibigay-pugay kay Punong Barangay Eliseo E. Manuel ng Barangay Ulingao para sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan. Kinilala ng

SB San Rafael
Jun 141 min read


San Rafael, Nakiisa sa Paggunita ng Ika-128 Araw ng Kalayaan ng Bansa
Buong pagmamalaki at kaisahan na ginunita ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang makasaysayang Ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ngayong Biyernes, ika-12 ng Hunyo, 2026. Ang pagdiriwang ay nagsilbing pagpupugay sa katapangan, sakripisyo, at walang katulad na pagmamahal sa bayan ng mga ninunong Pilipino na nag-alay ng kanilang buhay upang makamit ng bansa ang kasarinlan at kalayaan mula sa mga dayuhang mananakop. Sa opisyal na mensahe ng lokal na pamahalaan, binigyang-diin

SB San Rafael
Jun 121 min read


Ipatatayong Rentable Stalls sa Coral na Bato, Sinalang sa Public Hearing at Inspeksyon ng Sangguniang Bayan
Upang masiguro ang maayos na pag-unlad ng lokal na negosyo at pagsunod sa mga pamantayan ng batas, nagsagawa ng Pampublikong Pagdinig at Ocular Inspection ang Sangguniang Bayan sa Barangay Coral na Bato nitong ika-8 ng Hunyo, 2026. Ang aktibidad ay pinangunahan ni Kgg. Nestor Vicho bilang Chairman ng Committee on Public Works & Infrastructure, kasama si Pangalawang Punongbayan Kgg. Edison M. Veneracion at mga miyembro ng konseho. Isinagawa ang pagdinig at inspeksyon bilang tu

SB San Rafael
Jun 111 min read


Plano para sa Mas Malinis na San Rafael, Tinalakay sa 2nd Quarterly Meeting
Upang mas mapalakas ang mga programang pangkalikasan sa bayan, matagumpay na idinaos ang 2nd Quarterly Meeting ng Solid Waste Management Board kamakailan. Ang pagpupulong ay pinangunahan ng tanggapan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), katuwang ang IIMT, ISF, at ang Manila Bay Task Force Group. Sa naturang pagtitipon, masusing tinalakay ang kasalukuyang estado ng solid waste management sa San Rafael. Kabilang sa mga binigyang-diin ang mga tamang hak

SB San Rafael
Jun 111 min read


Sangguniang Bayan ng San Rafael, Nagdaos ng Espesyal na Pagpupulong
Upang agarang matugunan ang pangangailangan ng mga residente, nagdaos ng isang Special Session ang Sangguniang Bayan ng San Rafael sa ilalim ng pamumuno ni Pangalawang Punongbayan Kgg. Edison M. Veneracion. Katuwang ang mga Kagalang-galang na Kagawad ng Sanggunian, mabilis na nagpulong ang lokal na lehislatura upang talakayin at aprubahan ang mga programang nakatutok sa pagbibigay ng mabilis at direktang tulong sa mga pamilyang San Rafaeleño na higit na nangangailangan ng sak

SB San Rafael
Jun 101 min read


PESO San Rafael, Nagbukas ng Slots para sa 15-Day Dressmaking Training (NC II)
Upang patuloy na mabigyan ng oportunidad sa pangkabuhayan at karagdagang kasanayan ang mga mamamayan, opisyal na inilunsad ng Public Employment Service Office (PESO) ng San Rafael ang kanilang Livelihood Skills Training Program para sa "DRESSMAKING TRAINING (NC II)". Ang nasabing programa ay tatakbo sa loob ng 15 araw ng masinsinang pagsasanay upang ihanda ang mga kalahok sa industriya ng pananahi. Gaganapin ang pagsasanay sa Old RHU I Building, Munisipyo ng San Rafael, mula

SB San Rafael
Jun 91 min read


Apat na Bagong Mag-asawa, Ikinasal sa San Rafael
Apat na bagong pamilya ang opisyal na nabuo sa bayan matapos pagbuklurin sa banal na kasal ang apat na pares ng magsing-irog sa pangunguna mismo ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. Buong kagalakang pinag-isang dibdib ng alkalde ang mga bagong kasal na sina: Mr. & Mrs. Renz at Irish San Mateo Mr. & Mrs. Laurence at Monique Pepito Mr. & Mrs. Kyle David at Stephanie Gomez Mr. & Mrs. Joel at Rose Ann Garcia Sa idinaos na seremonya, personal na ipinaabot ni Mayor

SB San Rafael
Jun 91 min read
Archives
bottom of page

