top of page

2nd Quarter Nationwide Earthquake Drill, Idinaos sa Sanctuario of St. Maria Theresa School


Upang patuloy na mapataas ang antas ng kahandaan at kaligtasan ng mga mag-aaral at mamamayan sa oras ng sakuna, matagumpay na idinaos ang Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong Huwebes, ika-18 ng Hunyo, 2026.


Eskaktong alas-9:00 ng umaga nang sabay-sabay na isagawa ang pagsasanay sa Sanctuario of St. Maria Theresa School, Inc. na matatagpuan sa lungsod.



Ang aktibidad ay pinangunahan ng Officer-in-Charge (OIC) ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na si Ren Mendoza. Naging katuwang din sa pagsubaybay at paggabay sa drill ang mga kinatawan mula sa Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP).


Sa pamamagitan ng simulation na ito, aktwal na naipakita at naipraktis ng mga guro at mag-aaral ang tamang proseso ng "Duck, Cover, and Hold," pati na rin ang maayos at kalmadong paglikas patungo sa mga ligtas na evacuation area ng paaralan.


Ayon sa MDRRMO, ang regular na pakikibahagi sa NSED ay isang mabisang paraan upang mapadalas at mapaigting ang kaalaman, disiplina, at tamang pagtugon ng bawat isa sa oras na tumama ang isang malakas na lindol, dahil ang kahandaan ay ang pinakamalayong depensa laban sa anumang sakuna.

Comments


bottom of page