top of page

40% Sahod ng mga Benepisyaryo ng SPES, Ipinamahagi sa San Rafael

3 days ago
1 min read

Isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang pamamahagi ng 40 porsiyentong sahod para sa mga benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES) sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE).


Nahati sa dalawang pangkat ang mga benepisyaryo batay sa kanilang pinaglingkurang lugar. Ang mga naitalaga sa lokal na pamahalaan ay nagtrabaho nang 20 araw, habang 30 araw naman ang inilaan ng mga naitalaga sa mga pribadong kumpanya.


Layunin ng SPES na makatulong sa mga gastusin sa pag-aaral ng mga kabataan habang binibigyan sila ng pagkakataong magkaroon ng karanasan sa trabaho.


Patuloy namang isinusulong ng Public Employment Service Office (PESO) San Rafael, sa pamumuno ni Ma’am Reela I. Tuazon, ang mga programang nagbibigay ng suporta at oportunidad sa mga kabataan.

Comments


bottom of page