MDRRMO San Rafael, Nagpaalala sa Paghahanda sa Posibleng Epekto ng Super El Niño

Nagpaalala ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng San Rafael sa mga residente na maghanda sa posibleng epekto ng Super El Niño, na maaaring magdulot ng mas matindi at matagal na init.
Kabilang sa mga posibleng epekto nito ang mataas na heat index, tagtuyot at kakulangan sa suplay ng tubig, mas mataas na panganib ng sunog sa mga bukid at kabundukan, at pagbaba ng ani at suplay ng pagkain.
Bilang paghahanda, pinapayuhan ang publiko na magtipid at mag-imbak ng malinis na tubig, maglaan ng pagkaing hindi madaling masira, at maghanda ng emergency kit, first aid kit at mga kinakailangang gamot. Mahalaga ring subaybayan ang mga ulat sa panahon at opisyal na abiso ng MDRRMO at lokal na pamahalaan.
Hinikayat din ang mga residente na alamin ang pinakamalapit na evacuation area at tiyaking ligtas ang kanilang mga tahanan.
Para sa agarang tulong, maaaring tawagan ang MDRRMO San Rafael sa mga sumusunod na hotline na bukas 24 oras: 0917-172-3235 at 0968-872-3235.






Comments