Gamit Pang-eskwela mula sa Dragon Fireworks, Ipinamahagi sa Dalawang Paaralan sa San Rafael
- SB San Rafael

- Jun 15
- 1 min read

Bilang pagpapakita ng malakas na ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at pribadong sektor, muling nakiisa ang mga pinuno ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pamamahagi ng mga kagamitang pang-eskwela sa mga mag-aaral ng Sampaloc Elementary School at Pinac Pinacan Elementary School.
Ang mga ipinamahaging gamit ay handog ng kumpanyang Dragon Fireworks, sa pangunguna ni Dr. Derrick Ong.

Ang inisyatibong ito ay bahagi na ng taunang programa ng naturang kumpanya. Layunin nitong maging katuwang sa pagtataguyod ng edukasyon at direktang makatulong sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pangunahing kagamitan na magagamit nila sa kanilang araw-araw na pag-aaral.
Lubos naman ang ipinaabot na pasasalamat ng lokal na pamahalaan, kasama ang pamunuan ng dalawang paaralan, sa walang sawang malasakit at pakikiisa ng Dragon Fireworks para sa kapakanan at pag-unlad ng kabataang San Rafaeleño.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang proyektong ito ay isang malinaw na patunay na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pribadong sektor at ng gobyerno, mas napapalakas ang mga programang pang-edukasyon at mas napaninigurado ang isang magandang kinabukasan para sa susunod na henerasyon.





Comments