Maligayang Kaarawan, Kapitan Alex Camacho!
- SB San Rafael

- Jun 17
- 1 min read

Muling nagkaisa ang mga matataas na pinuno ng lokal na pamahalaan upang ipaabot ang kanilang mainit at taos-pusong pagbati sa kaarawan ng isa sa mga masisipag na lider-komunidad ng bayan ngayong araw.
Pinangunahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, at ng buong miyembro ng Sangguniang Bayan ang pagbibigay-pugay kay Punong Barangay Alex G. Camacho ng Barangay Caingin para sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan.
Kinilala ng pamahalaang bayan ang natatanging dedikasyon, sipag, at tapat na paglilingkod ni Kapitan Alex sa kaniyang mga kabarangay at nasasakupan, na patuloy na nagiging katuwang ng munisipyo sa pagpapatupad ng mga programa at proyektong pangkaunlaran sa antas ng barangay.
Hangad ng buong lokal na pamahalaan ang patuloy na mabuting kalusugan, kaligtasan, at higit pang biyaya ng Panginoon para kay Kap. Camacho upang patuloy nitong magabayan at mapaglingkuran nang mahusay ang mamamayan ng Barangay Caingin.





Comments