top of page

DAY 2 NG NUTRITION IN EMERGENCIES TRAINING 2026, IPINAGPATULOY SA SAN RAFAEL


Ipinagpatuloy nitong Agosto 20, 2026 ang Day 2 ng “Strengthening Disaster Preparedness through Nutrition in Emergencies Training 2026” sa The Grass Resort, Pasong Inchik, San Rafael, Bulacan.


Pinangunahan ng Municipal Nutrition Office (MNO) ang ikalawang araw ng pagsasanay na nakatuon sa pagpapalakas ng kahandaan at kakayahan ng mga nutrition workers sa pagtugon sa mga pangangailangang pangnutrisyon ng mga mamamayan sa panahon ng kalamidad at iba pang emergency.



Dumalo sa pagsasanay ang mga kawani ng MNO at mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) ng San Rafael.


Pinondohan naman ang naturang aktibidad ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) – San Rafael bilang bahagi ng mga programa para sa mas maagap at organisadong pagtugon sa mga sakuna.


Sa pagpapatuloy ng training, layunin ng mga kalahok na higit pang mapalawak ang kanilang kaalaman at kasanayan upang matiyak ang patuloy na paghahatid ng wastong serbisyong pangnutrisyon, lalo na sa mga panahong nangangailangan ng agarang tulong at suporta ang komunidad.

Comments


bottom of page