Lingguhang Flag Raising Ceremony, Pinangunahan ng BPLO sa San Rafael

Isinagawa ngayong Lunes, Agosto 24, ang lingguhang pagtataas ng watawat sa Bayan ng San Rafael bilang pagpapakita ng paggalang sa pambansang watawat at pagmamahal sa bayan.
Pinangunahan ng Business Permit and Licensing Office (BPLO), sa pamumuno ni Ma'am Rosalie B. Lopez, ang naturang palatuntunan.
Kasabay ng seremonya ang pagpapakilala sa mga bagong Boy/Girl Official 2026, na bahagi ng mga aktibidad ng pamahalaang bayan para sa kabataan.
Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, patuloy na hinihikayat ang mga mamamayan na isabuhay ang pagkakaisa, disiplina at malasakit para sa patuloy na pag-unlad ng Bayan ng San Rafael.
Patuloy naman ang Pamahalaang Bayan sa pagsusulong ng mga programang naglalayong palakasin ang diwa ng pagmamahal sa bayan at pakikilahok ng komunidad.






Comments