top of page

DAY 1 NG NUTRITION IN EMERGENCIES TRAINING 2026, ISINAGAWA SA SAN RAFAEL


Isinagawa nitong Agosto 19, 2026 ang unang araw ng “Strengthening Disaster Preparedness through Nutrition in Emergencies Training 2026” sa The Grass Resort, Pasong Inchik, San Rafael, Bulacan.


Pinangunahan ng Municipal Nutrition Office (MNO) ang pagsasagawa ng training na naglalayong palakasin ang kahandaan ng mga kinauukulan sa pagtugon sa mga pangangailangang pangnutrisyon sa panahon ng sakuna at iba pang emergency situations.


Dumalo sa pagsasanay ang mga kawani ng Municipal Nutrition Office at 35 Barangay Nutrition Scholars (BNS) mula sa iba’t ibang barangay ng San Rafael.



Ang programa ay pinondohan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) – San Rafael bilang bahagi ng mga hakbang ng lokal na pamahalaan upang mapahusay ang disaster preparedness at nutritional response sa mga komunidad.

Sa pamamagitan ng pagsasanay, inaasahang mas mapalalakas ang kaalaman at kakayahan ng mga nutrition workers at Barangay Nutrition Scholars sa pagbibigay ng nararapat na suporta at serbisyong pangnutrisyon sa panahon ng kalamidad at emergency.

Comments


bottom of page