Apat na Bagong Mag-asawa, Ikinasal sa San Rafael
- SB San Rafael

- Jun 9
- 1 min read

Apat na bagong pamilya ang opisyal na nabuo sa bayan matapos pagbuklurin sa banal na kasal ang apat na pares ng magsing-irog sa pangunguna mismo ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr.

Buong kagalakang pinag-isang dibdib ng alkalde ang mga bagong kasal na sina:
Mr. & Mrs. Renz at Irish San Mateo
Mr. & Mrs. Laurence at Monique Pepito
Mr. & Mrs. Kyle David at Stephanie Gomez
Mr. & Mrs. Joel at Rose Ann Garcia

Sa idinaos na seremonya, personal na ipinaabot ni Mayor Violago ang kaniyang mga payo at gabay para sa pagbuo ng isang matatag at masayang tahanan, lalo na sa pagharap sa mga bagong hamon ng buhay-may-asawa.

Kaugnay nito, ang Tanggapan ng Punong Bayan at ang buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael ay nagpaabot ng kanilang taos-pusong pagbati sa mga bagong kasal. Hangad ng lokal na pamahalaan ang isang matagumpay, mahaba, at mabiyayang pagsasama para sa mga pamilyang San Mateo, Pepito, Gomez, at Garcia.





Comments