Plano para sa Mas Malinis na San Rafael, Tinalakay sa 2nd Quarterly Meeting
- SB San Rafael

- Jun 11
- 1 min read

Upang mas mapalakas ang mga programang pangkalikasan sa bayan, matagumpay na idinaos ang 2nd Quarterly Meeting ng Solid Waste Management Board kamakailan.
Ang pagpupulong ay pinangunahan ng tanggapan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), katuwang ang IIMT, ISF, at ang Manila Bay Task Force Group.

Sa naturang pagtitipon, masusing tinalakay ang kasalukuyang estado ng solid waste management sa San Rafael. Kabilang sa mga binigyang-diin ang mga tamang hakbang sa segregasyon o pagbubukod-bukod ng basura, maayos na koleksyon, at tamang disposisyon o pagtatapon nito.
Ipinahayag din ng lupon ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga umiiral na batas at lokal na ordinansa upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran sa bawat barangay.
Dinaluhan ang aktibidad ng iba't ibang samahan, mga kinatawan mula sa mga ahensya ng gobyerno, at mga kawani ng lokal na pamahalaan. Ayon sa MENRO, ang malawak na koordinasyong ito ay bahagi ng tuloy-tuloy na inisyatibo ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael upang makabuo ng isang mas malinis, maayos, at ligtas na komunidad para sa lahat ng mamamayan.





Comments