San Rafael, Nakiisa sa Paggunita ng Ika-128 Araw ng Kalayaan ng Bansa
- SB San Rafael

- Jun 12
- 1 min read

Buong pagmamalaki at kaisahan na ginunita ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang makasaysayang Ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ngayong Biyernes, ika-12 ng Hunyo, 2026.
Ang pagdiriwang ay nagsilbing pagpupugay sa katapangan, sakripisyo, at walang katulad na pagmamahal sa bayan ng mga ninunong Pilipino na nag-alay ng kanilang buhay upang makamit ng bansa ang kasarinlan at kalayaan mula sa mga dayuhang mananakop.
Sa opisyal na mensahe ng lokal na pamahalaan, binigyang-diin ang kahalagahan na magsilbing inspirasyon ang okasyong ito sa bawat San Rafaeleño. Hinikayat ang lahat na patuloy na pahalagahan, alagaan, at ipagtanggol ang kalayaang tinatamasa sa kasalukuyang panahon.
Inihayag din ng pamunuan na sa pamamagitan ng pagpapakita ng pambansang disiplina, pagkakaisa, at tapat na malasakit sa kapwa, maitataguyod ng mga mamamayan ang krusada ng mga bayani tungo sa pagbuo ng isang mas maunlad, masagana, at mapayapang bayan ng San Rafael.





Comments