top of page

Walang Pasok: Ligtas ng mga Mag-aaral Unang Prayoridad ng Pamahalaang Bayan Ngayong Hulyo 13


Bilang pag-iingat at upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, opisyal na sinuspendi ng Pamahalaang Bayan ang face-to-face classes sa lahat ng antas, kapwa sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bayan, ngayong araw ng Lunes, Hulyo 13, 2026.


Ang kautusang ito ay ipinatupad bunsod ng nararanasang masamang panahon na dala ng bagyo, na nagdudulot ng banta sa kaligtasan ng mga estudyante at mga guro sa pagbiyahe.


Kaugnay nito, mahigpit na itinatagubilin ng lokal na pamahalaan sa mga pamunuan ng mga paaralan ang paglipat at pagpapatupad muna ng online classes o iba pang alternative learning modalities upang hindi maputol ang edukasyon ng mga bata habang nananatili sila sa loob ng kanilang mga tahanan.


Ayon sa pamunuan ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., nananatiling pangunahing prayoridad ng administrasyon ang buhay at kapakanan ng bawat mamamayan, lalo na ng mga kabataan, sa gitna ng mga banta ng kalamidad.


Patuloy namang pinapaalalahanan ang mga magulang at mag-aaral na mag-ingat, manatiling alerto, at subaybayan ang mga susunod na opisyal na anunsyo ng pamahalaan ukol sa sitwasyon ng panahon.

Comments


bottom of page