top of page

Inspeksyon sa mga Proyekto ng Brgy. Poblacion, Pinangunahan ng mga Pinuno ng San Rafael


Upang matiyak ang kalidad at mabilis na pagtatapos ng mga imprastraktura sa bayan, personal na nagtungo si Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. sa Barangay Poblacion kamakailan upang magsagawa ng isang masusing inspeksyon sa mga kasalukuyang proyektong itinatayo rito.


Kasama ng alkalde sa nasabing pag-iikot sina Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente, at Municipal Engineer Romualdo B. De Castro.



Sa pamamagitan ng pagbisitang ito, direktang nakita ng mga opisyal ang takbo at lagay ng mga ginagawang proyekto. Layunin ng aktibidad na masigurong nasusunod ang tamang plano at pamantayan sa konstruksyon, at upang agad na matugunan ang anumang hamon sa implementasyon ng mga ito.


Ang pagtutulungan ng ehekutibo, lehislatura, at ng engineering department ay bahagi ng tuloy-tuloy na adhikain ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael na makapaghatid ng mga de-kalidad at ligtas na imprastraktura na pakikinabangan ng mga mamamayan sa mahabang panahon.

Comments


bottom of page