San Rafael, Nakiisa sa Pagdiriwang ng Amun Jadid o Islamic New Year
- SB San Rafael

- Jun 16
- 1 min read

Bilang pagpapakita ng respeto at pagkakaisa sa iba't ibang kultura at pananampalataya, buong pusong nakiisa ang buong bayan ng San Rafael sa pagdiriwang ng Amun Jadid o ang Islamic New Year ng mga kapatid na Muslim ngayong araw.
Sa opisyal na pahayag ng lokal na pamahalaan, nagpaabot ito ng isang mapayapa, masaya, at makabuluhang pagsalubong sa bagong taon para sa komunidad ng mga Muslim na naninirahan at nagtatrabaho sa bayan.
Hangad ng pamahalaang lokal na ang pagdiriwang na ito ay maging isang mabisang daan upang mas mapalalim pa ang pananampalataya, mapatibay ang pagkakaisa, at maghatid ng pangmatagalang kapayapaan at kasaganaan para sa bawat pamilya.
Ang pagkilalang ito sa Amun Jadid ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa isang inklusibong komunidad, kung saan pinapahalagahan ang pagtutulungan at pagkakaunawaan ng lahat ng sektor, anuman ang kanilang relihiyon, tungo sa iisang mithiin para sa bayan.
Isang mainit na "Amun Jadid Mubarak!" ang ipinaabot ng buong komunidad ng San Rafael sa lahat ng mga kapatid na Muslim.





Comments