top of page

Supplementary Feeding Program para sa mga Day Care Children, Inilunsad sa San Rafael


Upang paigtingin ang kampanya para sa kalusugan ng mga bata, matagumpay na inilunsad ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang Supplementary Feeding Program para sa mga mag-aaral sa mga day care center sa buong bayan.


Bitbit ang temang “Malnutrisyon ay labanan, tungo sa malusog at mahusay na kabataan!”, ang programa ay pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD), katuwang ang mga masisipag na Day Care Teachers sa ilalim ng pangangasiwa ni Ma’am Ma. Victoria G. Ramos.


Dumalo rin sa aktibidad upang magpaabot ng buong suporta si Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente, bilang kinatawan ng mga matataas na pinuno ng lokal na pamahalaan. Naging bahagi rin ng tagumpay si Ma’am Georgia Robles, ang Focal Person/Handler ng mga LGU, na nag-ambag ng kaniyang gabay para sa maayos na implementasyon ng proyekto.


Pangunahing layunin ng inisyatibong ito na mabigyan ng sapat at masustansyang pagkain ang mga bata upang masiguro ang kanilang maayos na paglaki, patuloy na pag-unlad ng pangangatawan, at kahandaan sa kanilang maagang antas ng pag-aaral.


Ayon sa MSWD, sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at malasakit ng pamahalaan, mga guro, at mga magulang, patuloy na isusulong ng San Rafael ang isang komunidad na may malusog, aktibo, at masiglang kabataan na siyang pag-asa ng susunod na henerasyon.

Comments


bottom of page