24th Regular Session ng Sangguniang Bayan, Matagumpay na Idinaos
- SB San Rafael

- Jun 18
- 1 min read

Upang mas paigtingin ang kalidad ng serbisyo-publiko sa bayan, matagumpay na isinagawa ang ika-24 Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng San Rafael nitong ika-15 ng Hunyo, 2026.
Ang nasabing sesyon ay pinangunahan ni Pangalawang Punongbayan Kgg. Edison M. Veneracion bilang Presiding Officer ng lokal na lehislatura.
Katuwang ni Vice Mayor Veneracion ang mga Kagalang-galang na Kagawad at mga dedikadong kawani ng Sanggunian. Sa loob ng pagpupulong, masinsinang tinalakay at hinimay ng mga opisyal ang iba't ibang mahahalagang usapin, resolusyon, at mga bagong panukala na nakatuon sa pagpapabuti ng pamamalakad ng gobyerno at sa pangkalahatang kapakanan ng mga mamamayang San Rafaeleño.

Kabilang sa mga regular na binibigyang-prayoridad ng konseho ang mga programang pangkalusugan, pagpapaunlad ng ekonomiya, at mga batas na nagpapanatili ng kaayusan sa bawat barangay.
Ayon sa Tanggapan ng Pangalawang Punongbayan, ang lingguhang pagdaraos ng sesyon ay bahagi ng kanilang patuloy na pangako na maging mabilis, transparent, at responsive sa pagpasa ng mga polisiya na direktang makatutulong sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya sa bayan.





Comments