Zumba Marathon, Tampok sa Pagdiriwang ng Civil Service Anniversary

Isinagawa sa Municipal Grounds ng San Rafael ang Zumba Marathon para sa mga kawani ng Pamahalaang Bayan bilang bahagi ng pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary.
Layunin ng aktibidad na itaguyod ang kalusugan, pagkakaisa, at magandang samahan ng mga kawani, kasabay ng pagsusulong ng mahusay na serbisyo publiko.
Pinangunahan at pinangasiwaan ng Human Resource Management Office (HRMO) ang naturang aktibidad.






Comments