Mga Bagong Pasilidad sa BulSU San Rafael Campus, Pinasinayaan

Dumalo ang mga opisyal ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa inagurasyon ng mga bagong pasilidad sa Bulacan State University (BulSU) – San Rafael Campus.
Kinatawan ni Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente si Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. sa seremonya, kasama sina Vice Mayor Edison M. Veneracion at Konsehal Gerry Torres.

Kabilang sa mga bagong pasilidad na pinasinayaan ang Auditorium, College of Medicine Building, at Dormitory, na dagdag na imprastraktura para sa pagpapaunlad ng edukasyon at pagpapalawak ng mga oportunidad para sa mga mag-aaral sa San Rafael at mga karatig-bayan.
Dumalo rin si Congressman Mark Cholo I. Violago, kinatawan ng Ikatlong Distrito ng Bulacan, na nagkaloob ng Coaster Bus na gagamitin para sa libreng hatid-eskwela ng mga mag-aaral.
Patuloy namang isinusulong ng lokal na pamahalaan ang mga programa at inisyatiba para sa pagpapalakas ng edukasyon at pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa kabataan.







Comments