Tutok Kainan Supplementary Feeding Supplies, Ipinamahagi sa mga Barangay

Ipinamahagi ng Municipal Nutrition Office noong Setyembre 7, 2026 ang mga suplay para sa Tutok Kainan Supplementary Feeding Program sa mga barangay ng San Rafael.
Personal na tinanggap ng mga Barangay Nutrition Scholars (BNS)/LLN mula sa bawat barangay ang mga suplay na gagamitin para sa pagpapatupad ng supplementary feeding program.
Layunin ng programa na makatulong sa pagbibigay ng sapat at wastong nutrisyon sa mga benepisyaryo at maisulong ang mas malusog na komunidad sa San Rafael.






Comments