top of page

Training on BERQDUS, Isinagawa para sa mga Driver at Utility Personnel

2 days ago
1 min read

Isinagawa sa Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang Training on BERQDUS (Basic Essentials in Reading, Quality Driving and Utility Services) para sa mga kawani nitong driver at utility personnel.


Layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga kawani sa ligtas, maayos, responsable, at de-kalidad na pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin.


Pinangunahan ng Human Resource Management Office (HRMO) ang aktibidad bilang bahagi ng patuloy na pagsasanay at pagpapaunlad ng kakayahan at propesyonalismo ng mga kawani.


Naging Subject Matter Expert sa pagsasanay si Ma’am Myza D. Maglaqui, Senior Human Resource Specialist, na nagbahagi ng kaalaman, karanasan, at mga gabay para sa mas mahusay na pagtupad ng mga driver at utility personnel sa kanilang mga responsibilidad.

Comments


bottom of page