top of page

HRMO San Rafael, Muling Kinilala ng Civil Service Commission

2 days ago
1 min read

Muling kinilala ng Civil Service Commission (CSC) Regional Office at CSC Field Office Bulacan ang Human Resource Management Office (HRMO) ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael.


Ipinagkaloob ang Sertipiko ng Pagkilala kay HRMO III Marianne C. Collantes bilang pagkilala sa kanyang pagsisikap, dedikasyon, at kahusayan sa tumpak na paghahanda at napapanahong pagsusumite ng mga appointment sa CSC Field Office Bulacan.


Ang pagkilalang ito ay nagpapakita ng maayos at episyenteng pamamahala ng mga usaping may kaugnayan sa human resources sa Pamahalaang Bayan ng San Rafael.

Comments


bottom of page