top of page

VMLP Bulacan Chapter, Nagsagawa ng 9th Regular Meeting sa Lungsod ng Meycauayan


Muling nakiisa si Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion sa kaniyang mga kapwa lingkod-bayan sa ginanap na 9th Regular Monthly Meeting ng Vice Mayors' League of the Philippines (VMLP) – Bulacan Chapter nitong Huwebes, Hulyo 23, 2026.


Ginanap ang naturang pagtitipon sa Lungsod ng Meycauayan kung saan nagsilbing host si Meycauayan City Vice Mayor Jojie Violago, na mainit na tumanggap sa mga bise alkalde mula sa iba't ibang bayan at lungsod ng lalawigan ng Bulacan.


Naging panauhin din sa pagpupulong si DILG Bulacan Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, na nagpaunlak sa paanyaya upang magbahagi ng mahahalagang gabay at talakayan ukol sa pagpapatupad ng mga pambansang direktiba at pagpapalakas ng lehislasyon sa lokal na antas.



Nagpaabot ng kaniyang pasasalamat si Vice Mayor Veneracion sa hosts at sa pamunuan ng DILG sa patuloy na pagsuporta sa lupon. Aniya, ang mga ganitong pagtitipon ay mahalagang pagkakataon upang magpalitan ng mga magagandang ideya at programang panglehislasyon na maipapatupad din sa bayan ng San Rafael.


Ang aktibong pakikilahok ng Sangguniang Bayan sa mga pinalawak na samahan tulad ng VMLP ay bahagi ng patuloy na pakikipagtulungan sa Pamahalaang Bayan sa pamumuno ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. upang tiyakin ang tapat at episyenteng serbisyo para sa mga mamamayan.

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page