Ulat sa Bayan: Mayor Violago, Binisita ang mga Proyekto at Tinalakay ang Supply ng Tubig
- SB San Rafael

- Mar 2
- 1 min read
Sa pagsisimula ng panibagong linggo ng paglilingkod, nagbahagi ng mahalagang ulat si Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. hinggil sa mga hakbangin ng pamahalaang bayan upang matiyak ang sapat at tuloy-tuloy na serbisyo para sa bawat mamamayan.
Isa sa pinakamahalagang tinalakay sa nakaraang linggo ay ang isyu ng suplay ng tubig sa bayan. Sa isang mahalagang pagpupulong, napagkasunduan na ang San Rafael Water District (SRWD) muna ang pansamantalang mangangasiwa at mamamahala sa suplay ng tubig sa buong bayan. Ang hakbang na ito ay bahagi ng estratehiya ni Mayor Violago upang masigurong hindi mapuputol ang serbisyo at magiging maayos ang distribusyon ng tubig sa bawat tahanan.
Bukod sa usapin ng tubig, naging abala rin ang Punong Bayan sa pagsasagawa ng mga Ocular Inspection sa iba’t ibang istruktura at pasilidad ng bayan. Layunin nito na personal na makita ang kalagayan ng mga imprastraktura at matiyak na ang mga ito ay ligtas at kapaki-pakinabang para sa publiko.





Comments