Tanggapan ng Punong Bayan, Nanatiling Bukas sa mga San Rafaeleño

Nagpasalamat si Mayor Cipriano D. Violago, Jr. sa mga San Rafaeleñong dumulog at bumisita sa kanyang tanggapan upang magbahagi ng kanilang mga saloobin, mungkahi, at pangangailangan.
Ayon kay Violago, mahalaga ang pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan at ang kanilang pakikilahok sa mga hakbang para sa patuloy na pag-unlad ng bayan.
Nanatiling bukas ang kanyang tanggapan sa mga San Rafaeleñong nais magbahagi ng mga ideya, mungkahi, at iba pang usapin, gayundin sa mga nais maging katuwang sa pagpapatupad ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng komunidad.
Hinimok din ng Punon Bayan ang mga mamamayan na patuloy na makiisa sa mga pagsisikap para sa pagpapaunlad at paglilingkod sa Bayan ng San Rafael.






Comments