top of page

Suspek sa Motornapping, Arestado ng PNP San Rafael; Nawawalang Motorsiklo, Narecover!


Mabilis at matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) ang isang suspek sa motornapping kasabay ng pagkakabawi sa ninakaw na motorsiklo sa isinagawang follow-up operation ngayong Hulyo 25, 2026.


Isinagawa ang naturang operasyon sa pamamagitan ng masusing pagpaplano at intelligence-driven operation sa ilalim ng pamumuno at pangangasiwa ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS.


Ang mabilis at koordinadong pag-responde ng kapulisan ay nagpapakita ng matatag na dedikasyon ng istasyon na maghatid ng mabilis at epektibong serbisyo publiko, pati na rin ang pagtiyak na ang mga lumalabag sa batas ay mapanagot sa hustisya.


Muling pinatunayan ng San Rafael MPS ang paninindigan nitong protektahan ang buhay at ari-arian ng mamamayan sa pamamagitan ng pagpapaigting ng kampanya laban sa lahat ng uri ng kriminalidad. Sa pamamagitan ng proactive law enforcement, tuloy-tuloy na operasyon, at matatag na ugnayan sa komunidad, patuloy na itinaguyod ang kapayapaan at kaayusan tungo sa isang mas ligtas at payabang bayan.

Comments


bottom of page