Seguridad sa Sampaloc, Mas Pinatindi ng San Rafael PNP
- SB San Rafael

- Jul 17
- 1 min read

Isang gabing Anti-Criminality Checkpoint ang ikinasa ng mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station sa Barangay Sampaloc nitong Hulyo 16, 2026, bandang 7:00 ng gabi.
Ang operasyon ay isinagawa sa ilalim ng mahigpit na paggabay ni PLTCOL Alvin Christopher L. Baybayan, Acting Chief of Police.
Pangunahing layunin ng aktibidad na ito ang mahigpit na pagpapatupad ng mga batas-trapiko at mga lokal na ordinansa. Bahagi rin ito ng patuloy na hakbang ng kapulisan upang maiwasan ang mga iligal na aktibidad at matiyak ang patuloy na kapayapaan at seguridad ng mga residente sa komunidad.




Comments