Seguridad sa Gabi, Pinalakas ng PNP San Rafael sa Pagpapatrolya sa Brgy. Talacsan
- SB San Rafael

- Jul 16
- 1 min read
Upang patuloy na mapanatili ang kapayapaan at pigilan ang anumang uri ng krimen lalo na sa oras ng gabi, nagsagawa ng Mobile Patrolling ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Talacsan nitong Hulyo 15, 2026.
Ang naturang roving operation, na nagsimula humigit-kumulang 6:41 ng gabi, ay isinagawa sa ilalim ng pamumuno at pangangasiwa ni PLTCOL Alvin Christopher L. Baybayan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS.
Sa pamamagitan ng pag-iikot ng mga patrol car sa mga pangunahing kalsada at looban ng Brgy. Talacsan, layunin ng kapulisan na magbigay ng kapanatagan sa mga residenteng nagpapahinga na sa kanilang mga tahanan at sa mga commuters na pauwi pa lamang mula sa trabaho at paaralan.




Comments