Seguridad ng Kabataan at Guro, Patuloy na Binibigyang-Prioridad
- SB San Rafael

- Jul 10
- 1 min read

Nagpahayag ng kaniyang kagalakan si Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion sa pagkakaroon ng pagkakataon na makatulong at makapagbahagi ng suporta para sa seguridad at kaligtasan ng mga paaralan sa buong bayan.
Ito ay matapos ipamahagi ng kaniyang tanggapan ang mga metal scanner sa mga lokal na distrito at paaralan, upang umalalay sa pagpapatupad ng bagong direktiba ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd).
Ayon kay Vice Mayor Veneracion, na mas kilala sa tawag na "Kuya Edison," layunin ng kaniyang inisyatiba na mapagaan ang trabaho ng mga security guards at kawani ng eskwelahan sa pagsasagawa ng mga routine inspection sa mga bag at sasakyan sa mga pasukan ng paaralan.
Sa tulong ng makabagong kagamitang ito, inaasahang mas mapapabilis ang pagsusuri sa mga pintuan nang hindi nagdudulot ng mahabang pila o pagkaantala sa klase ng mga mag-aaral, habang sinisiguro na walang mapanganib na bagay ang makapapasok sa loob ng kampus.




Comments