Sangguniang Bayan, Nagsagawa ng Ocular Inspection sa Diliman I

Nagsagawa ng ocular inspection ang Sangguniang Bayan ng San Rafael sa Barangay Diliman I kaugnay ng planong pagpapalawak ng isang warehouse sa lugar.
Personal na sinuri ng mga miyembro ng Sanggunian ang lokasyon at kasalukuyang kalagayan nito upang magkaroon ng sapat na batayan sa pagsusuri ng kahilingan para sa warehouse extension.
Bahagi ang ocular inspection ng proseso ng Sangguniang Bayan bago ang kaukulang pagtalakay at pag-aksyon sa naturang kahilingan.






Comments