top of page

San Rafael, Nakiisa sa Taimtim na Pagninilay ngayong Biyernes Santo


Sa pinakamahalagang sandali ng paggunita sa Mahal na Araw, nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa taimtim na pagninilay at panalangin ngayong Good Friday o Biyernes Santo.


Binigyang-diin nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion ang kahalagahan ng araw na ito upang alalahanin ang dakilang sakripisyo ng Panginoon sa krus—isang patunay ng wagas na pagmamahal at pag-asa para sa buong sangkatauhan.


"Ngayong Biyernes Santo, nawa'y magsilbing inspirasyon sa atin ang sakripisyo ni Jesus upang mas maging mapagkumbaba, mapagpatawad, at mapagmahal sa ating kapwa," anang mensahe mula sa lokal na pamahalaan.


Hinihikayat ang lahat ng mga San Rafaeleño na maglaan ng sandali ng katahimikan para sa personal na pagninilay at pagpapasalamat sa mga biyayang natatanggap sa kabila ng mga pagsubok. Ang araw na ito ay pagkakataon upang muling pagtibayin ang ating pananalig at pag-asa para sa isang mas maayos at mapayapang pamayanan.


Comments


bottom of page