San Rafael MPS, Nag-Ronda sa Viola Highway para sa Seguridad sa Daan
- SB San Rafael

- Jul 28
- 1 min read
Patuloy na pinaiiral ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) ang mahigpit na pagbabantay sa mga pangunahing daanan sa bayan matapos magkasa ng Mobile Patrolling sa kahabaan ng Viola Highway ngayong hapon ng Hulyo 28, 2026.
Isinagawa ang naturang pagpapatrolya simula 10:56 ng umaga sa ilalim ng pamumuno at pangangasiwa ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS.
Layunin ng mobile patrol na palakasin ang presensya ng kapulisan (police presence) sa mga pangunahing kalsada at highway, pigilan ang anumang posibleng insidente ng kriminalidad o aksidente sa kalsada, at tiyakin ang mabilis na pagresponde para sa kaligtasan ng mga biyahero at residente.





Comments