San Rafael, Kinilala Bilang Drug-Free Workplace

Kinilala ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael bilang isang Drug-Free Workplace matapos nitong matugunan ang mga itinakdang pamantayan para sa Drug-Free Workplace Certification Program.
Ang pagkilala ay alinsunod sa Joint Regional Memorandum Circular No. 01, Series of 2024, na naglalaman ng mga alituntunin sa pagpapatupad ng Drug-Free Workplace Certification Program para sa mga National Government Agencies (NGAs) at Local Government Units (LGUs) sa Central Luzon.

Patunay ang pagkilalang ito sa patuloy na mga programa at hakbang ng Pamahalaang Bayan para mapanatili ang ligtas, maayos, malusog, at produktibong lugar ng trabaho na malaya sa ipinagbabawal na gamot.
Kabilang din sa pagkilalang ito ang ambag ng mga kawani at katuwang na institusyon sa pagsusulong ng drug-free workplace at komunidad sa San Rafael.






Comments