Ronda sa mga Kalsada: Mobile Patrolling, Isinagawa ng PNP San Rafael sa Poblacion at BMA
- SB San Rafael

- Jul 16
- 1 min read
Upang patuloy na mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at maiwasan ang anumang anyo ng krimen sa mga pangunahing kalsada at residential areas, nagsagawa ng Mobile Patrolling ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) ngayong Hulyo 16, 2026.
Ang naturang pagpapatrolya, na nagsimula humigit-kumulang 8:33 ng umaga, ay isinagawa mula Barangay Poblacion hanggang sa Balagtas-BMA Road sa ilalim ng pamumuno at pangangasiwa ni PLTCOL Alvin Christopher L. Baybayan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS.
Sa pamamagitan ng patuloy na pag-iikot ng mga mobile patrol vehicle sa mga rutang ito, mas mabilis na nakatutugon ang kapulisan sa anumang sakuna o hiling ng tulong mula sa mga residente, bukod pa sa pagtiyak na ligtas ang mga motoristang dumadaan sa lugar.





Comments