top of page

Suporta sa Vulnerable Sectors: San Rafael, Nakiisa sa Rice Distribution Program ng Pangulong Marcos

Aug 20
1 min read

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mga programang pampamahalaan para sa kapakanan ng mamamayan, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang pamamahagi ng bigas para sa mga indigent at vulnerable sectors sa bayan.


Ang naturang inisyatibo ay nakapaloob sa "Bawat Bayan Makikinabang Program" ng Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na naglalayong makapagpaabot ng direktang tulong-pagkain sa mga pamilyang pinakanangangailangan.


Sa masipag na pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Office, naging maayos at mabilis ang pamamahagi ng mga ayuda sa iba't ibang barangay upang tiyaking makarating ito sa mga nararapat na benepisyaryo.



Taus-pusong nagpaabot ng pasasalamat ang lokal na pamahalaan kay Pangulong Marcos, Jr. sa patuloy na pagbibigay-pansin sa pangangailangan ng mga mamamayan, gayundin sa lahat ng kawani ng MSWD at mga katuwang na sektor na naging bahagi ng tagumpay ng aktibidad.


Ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa pambansang pamahalaan upang maihatid ang mga batayang serbisyo ay buong pusong itinaguyod ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan.

Comments


bottom of page