Lider ng San Rafael, Nag-Iikot sa mga Barangay para sa Pamamahagi ng Relief Goods
- SB San Rafael

- 4 days ago
- 1 min read

Personal na pinangunahan ng mga opisyal ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang pag-iikot sa iba't ibang barangay na labis na naapektuhan ng sunod-sunod na pag-ulan at pagbaha dahil sa mga nagdaang bagyo at Habagat.
Sa pamamagitan ng gawaing ito, naihatid nang direkta sa mga pamilyang nangangailangan ang mga DSWD Relief Box na ipinaabot ni Senator Bam Aquino.

Taus-puso ang naging pasasalamat ng lokal na pamahalaan kay Senator Bam Aquino para sa kanyang maagap na pagtugon at patuloy na malasakit sa kapakanan ng mga mamamayang San Rafaeleño sa gitna ng panahon ng sakuna.
Pinasalamatan din ng pamunuan ang lahat ng mga kawani ng munisipyo, barangay officials, volunteers, at mga katuwang na sektor na nagbuhos ng panahon at lakas upang maging maayos at mabilis ang pamamahagi ng tulong.
Ang patuloy na pag-alalay at pamamahagi ng ayuda sa mga nasalanta ay buong pusong pinangungunahan ng Pamahalaang Bayan sa ilalim nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan, upang tiyaking walang pamilyang maiiwan sa panahon ng pangangailangan.





Comments