top of page

Pagtataguyod ng Peace and Order: Joint Police at Barangay BPATs Mobilization, Isinagawa sa San Rafael


Upang higit pang patibayin ang seguridad, kaayusan, at kapayapaan sa bawat barangay, matagumpay na isinagawa ang Joint Police, Barangay BPATs/Tanod Mobilization sa Municipal New Gym ng San Rafael.


Naging pangunahing tampok sa nasabing aktibidad ang Pledge of Commitment, kung saan nagkaisa ang kapulisan, mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), at mga barangay tanod sa pagpapahayag ng kanilang buong suporta at pangako na magtutulungan para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan.



Personal na dinaluhan at sinuportahan ang aktibidad nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente, at Secretary to the Mayor Acmad Calaca.


Dumalo rin sa mahalagang pagtitipon sina PD PCOL Jay Baybayan, PTCOL Lawrence Gerald Bathan, kasama ang buong pwersa ng local police at mga barangay frontliners.


Ang tuluy-tuloy na pakikipag-ugnayan sa kapulisan at barangay frontliners ay buong pusong itinaguyod ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna nina Mayor Goto Violago at Vice Mayor Kuya Edison Veneracion upang garantiyahan ang isang ligtas at maayos na komunidad para sa lahat.

Comments


bottom of page